Los Baños Sunset at the Park feat. UP Jammers Club (January 25, 2026)
Buhay na buhay ang General Paciano Rizal Park sa mga masiglang pagtatanghal ng UP Jammers Club sa ginanap na Los Baños Sunset at the Park nitong Enero 25, 2025 (Linggo). Sabay-sabay na tinangkilik ng bawat isa ang isang hapon ng kultura at saya, isang karanasang muling humubog sa Los Baños bilang isang destinasyong pang-turismo na maipagmamalaking talaga.
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng masigasig na pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, naging suporta rin ito sa mga lokal na alagad ng sining at pag-angat ng lokal na kabuhayan sa pamamagitan ng mga food bazaar na tampok ang mga lokal na negosyo at mga produktong gawang Los Baños.
Sa gitna ng malamlam na dapithapon, ang bawat himig ay naging paanyaya upang magpahinga, huminto sa gitna mundong abala, at ipagdiwang ang simpleng ligayang dulot ng pagsasama-sama.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
