Los Baños Sunset at the Park feat. Denver, Rendel, Herbert, and Jasmine (January 23, 2026)
Sa gitna ng ginintuang langit at malamig na simoy ng hangin, muling nagsilbing tagpuan ang General Paciano Rizal Park ng mga pamilya, kabataan, at kaibigan sa ginanap na Sunset at the Park nitong Enero 23, 2026 (Biyernes). Ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office. Napuno ng magagandang himig ang gabi sa pamamagitan ng mga natatanging pagtatanghal nina Denver, Rendel, Herbert, at Jasmine, na nagbigay-buhay sa entablado at naghatid ng aliw sa lahat ng dumalo. Ang bawat awitin at pagtatanghal ay naging salamin ng malikhaing diwa at husay ng lokal na talento, na lalong nagpatibay sa turismo, at nagbuklod ng bawat puso.
Sa Los Baños, ang bawat dapithapon ay mas nagiging makabuluhan kapag ito’y pinagsasaluhan; may musika, may saya, at may bayang nagkakaisa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
