MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (4th Monday of January 2026)
Published date: Jan 26, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (4th Monday of January 2026)

Bilang panimulang hakbang sa isang panibagong linggo ng tapat na paglilingkod sa bayan, ang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa huling Lunes ng Enero 2026 ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay ng Anos sa pamumuno ni Kapitan Benito B. Elec, na buong pagmamalaking naglahad ng mga accomplishments at mga patuloy na isinusulong na proyekto at programa ng ng Barangay Anos.

Sa ngalan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, nagbigay inspirasyon si Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon upang pasiglahin ang diwa ng paglilingkod at pagtutulungan ng bawat kawani at opisyal ng pamahalaan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina at pagkakaisa bilang pundasyon ng epektibong serbisyo publiko, habang hinahamon ang lahat na simulan ang linggo nang may malinaw na layunin at malasakit sa kapwa.

Dinaluhan ang seremonya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, ang DILG family, at mga kawani ng Pamahalaan. Isang paalala ito na ang tunay na lakas ng Los Baños ay nagmumula sa pagkakaisa ng pamahalaan at mamamayan, patuloy na kumikilos para sa isang mas maunlad, diretso sa tao, at umaabanteng bayan.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 410 Total Views

Related:


;