IATF RESOLUTION NO. 121, SERIES OF 2021

Narito ang mga panuntunan ng IATF Resolution No. 121, s. 2021 sa mga lugar (Laguna, Cavite, Rizal) na nasa ilalim ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions mula Hunyo 16 hanggang 30, 2021.
A. Ang mga food preparation establishment tulad ng commissaries, restaurants at eateries ay maaaring mag-operate sa kanilang indoor dine-in services sa 20% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco ay maaari sa 50% venue o seating capacity.
B. Ang mga personal care services gaya ng beauty salon, parlor, barbershop at nail spa ay maaaring mag-operate sa 30% capacity.
Tanging mga serbisyo kung saan makakapag-suot ng mask sa lahat ng oras ang client at service provider ang pinapayagan.
C. Ang lahat ng Meetings, Incentives, Conventions, and Exhibitions (MICE) sa mga eligible venue establishment ay hindi pinapayagan .
D. Ang mga outdoor tourist attractions ay maaari pa ring mag-operate sa 30% capacity kasabay ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.
E. Sa ilalim ng Safety Seal Certification Program, ang mga establisyemento na binigyan ng Safety Seal Certification ay maaaring mag-operate nang may karagdagang 10 porsiyento mula sa pinapayagang porsiyento ng kanilang venue/seating capacity.
F. Ang mga Indoor sports court at venue maging ang indoor tourist attractions ay hindi pa rin maaaring mag-operate.
G. Ang specialized markets ng Department of Tourism (DOT) tulad ng "Staycation" na walang age restriction ay pinahihintulutan batay sa pinapayagang kapasidad ng kanilang venue kasabay ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards at anumang panuntunan at paghihigpit na ipinapatupad DOT.
H. Ang mga interzonal travel ay pinapayagan base sa inilahad na restriction at panuntunan ng Pamahalaang Lokal na nakakasakop sa lugar na inyong pupuntahan.
Ang pagbyahe naman papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay pinapayagan nang walang age restriction ngunit kailangang sumailalim sa RT-PCR test bago bumyahe ang mga wala pang 18 taong gulang at mahigit sa 65 taong gulang.
Ang iba pang mga panuntunan ay maaari ring ipatupad ng DOT at ng Lokal na Pamahalaan ng lugar na inyong pupuntahan.
I. Ang mga pagtitipong panrelihiyon ay pinahihintulutan hanggang sa sampung porsyentong (10%) kapasidad ng kanilang venue. Ito ay kung walang pagtutol mula sa LGU na nakakasakop sa lugar na kanilang pagdadausan ng pagtitipon.
Maaari rin namang dagdagan ng LGU ang pinapayagang kapasidad ng venue hanggang sa tatlumpung porsyento (30%). Dapat namang mahigpit na sundin ng simbahan ang kanilang isinumiteng panuntunan at minimum health standard.
Ang mga pagtitipon naman para sa necrological service, lamay at, libing para sa mga namatay nang hindi dahil sa COVID-19 ay pinapayagan, sa kondisyong tanging pangunahing miyembro ng pamilya lamang ng namatay ang dadalo dito at susunod sila sa ibinigay na minimum health standard.
J. Ang iba pang panuntunan sa pagpapatupad ng Community Quarantine na hindi apektado ng mga naunang nabanggit na panuntunan ay mananatiling epektibo kabilang na ang interzonal travel papunta at palabas ng mga nabanggit na lugar maging ang operasyon ng pampublikong transportasyon.
Related:
-
Most Viewed Article