MENU
Philippine Standard Time:
INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LOS BAÑOS NAGPULONG UPANG MAPIGILAN ANG PAGTAAS NG KASO NG COVID 19
Published date: Jan 21, 2021
INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LOS BAÑOS NAGPULONG UPANG MAPIGILAN ANG PAGTAAS NG KASO NG COVID 19

Nagpulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng lokal na pamahalaan ng Los Banos upang pag-usapan ang mga update at hakbangin para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa ating bayan noong Lunes, Enero 18, 2020.

Tuloy-tuloy pa rin ang implementasyon ng Odd-Even Scheme gamit ang QR code ng Contact Tracing System ng pamahalaang lokal at napagkasunduan rin ang istriktong paninita at pagmomonitor sa paggamit ng facemask at faceshield sa mga pampublikong lugar sa ating bayan.

Ang COVID-19 Vaccination Sub Committee ay binuo na rin sa ilalim ng IATF ng lokal na pamahalaan upang siyang magbalangkas ng mga hakbang sa paghahanda at paglalaan ng pondo para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa ating bayan.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#DisiplinaMuna

#StaySafe

 1048 Total Views

Related: