Dali Everyday Grocery Opening at Lopez Avenue, Demarces Subdivision, Brgy. Batong Malake boosted local commerce in Los Baños (January 23, 2026)
Sinuportahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at ni Hon. Councilor Miko Pelegrina ang opisyal na pagbubukas ng Dali Everyday Grocery na matatagpuan sa Lopez Avenue, Demarces Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna, Philippines nitong Enero 23, 2026 (Biyernes). Ang naturang grand opening ay dinaluhan ng mga empleyado ng establisimyento at mga miyembro ng komunidad, bilang pagpapakita ng sama-samang suporta sa pagsisimula ng bagong negosyo sa bayan.
Ang pagbubukas ng Dali Everyday Grocery ay itinuturing na isang mahalagang hakbang upang mas mapalapit sa mga mamamayan ang access sa mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw, hindi lamang sa Batong Malake kundi maging sa mga kalapit na barangay. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinapalakas ang lokal na ekonomiya at pinauunlad ang daloy ng kalakalan sa komunidad.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagbibigay ng suporta sa mga negosyong nakakatulong sa pag-unlad ng bayan, habang hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na negosyo bilang bahagi ng isang masigla, maunlad, at nagkakaisang pamayanan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
