MENU
Philippine Standard Time:
Refresher Training on the Formulation of the Gender-Responsive Plan and Budget (GPB) for CY 2027 of the Municipality of Los Baños
Published date: Jan 22, 2026
Refresher Training on the Formulation of the Gender-Responsive Plan and Budget (GPB) for CY 2027 of the Municipality of Los Baños

Isinagawa ang Refresher Training sa Pagbubuo ng Gender-Responsive Plan and Budget (GPB) para sa CY 2027 ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office na pinamumunuan ni Ms. Karen Lagat-Mercado, katuwang ang GAD Focal Point System Executive Committee (GFPS-EXECOM). Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa epektibong pagbalangkas ng mga plano at budget na tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng kasarian at sektor ng komunidad.

Alinsunod sa Article V, Section 4 ng Municipal Gender and Development Code of Los Baños, inatasan ang lokal na pamahalaan na bumuo ng taunang GPB na nakaangkla sa kani-kanilang mandato upang matiyak ang gender mainstreaming sa mga polisiya, programa, at proyekto. Bahagi nito ang integrasyon ng GAD Planning and Budgeting sa regular na gawain ng pamahalaan, kung saan ang gastusin sa implementasyon ay hindi bababa sa limang porsiyento (5%) ng kabuuang Annual Budget, na nakalaan upang itaguyod ang gender-responsiveness at inklusibong kaunlaran.

Ang alokasyon at paggamit ng GPB ay ipinatutupad alinsunod sa mga patakaran at gabay ng Philippine Commission on Women (PCW), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), at National Economic and Development Authority (NEDA), partikular ang PCW-DILG-DBM-NEDA Joint Memorandum Circular (JMC) 2013-01 at JMC 2016-01. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang adbokasiya para sa makatarungan, inklusibo, at responsableng pamamahala.

#GenderResponsivePlanAndBudget

#RefresherTraining

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 145 Total Views

Related:


;