Regional Variety Planning Pre-Workshop: Review of the Variety Recommendations for the RCEF Seed Program and DA–National Rice Program & Seed Distribution in CALABARZON
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Cheryll-Laviña Gonzales, sa ginanap ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) nitong Enero 20, 2026 (Martes) na Regional Variety Planning Pre-Workshop: Review of the Variety Recommendations for the RCEF Seed Program at DA–National Rice Program and Seed Distribution in CALABARZON sa Municipal Multipurpose Hall.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng 73 katao na binubuo ng Seed growers, Rice Technicians, Municipal Agriculturist, mga kawani ng APCO, OPAG, at PhilRice TDA RFU-IV-A. Naglalayon ito na masusing suriin at pagtibayin ang mga rekomendasyon hinggil sa mga variety ng palay na isasama sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program at sa National Rice Program ng Kagawaran ng Agrikultura upang matiyak ang mas mataas na ani, kalidad, at pagiging angkop ng mga binhi sa mga lalawigan ng rehiyon ng CALABARZON.
Tinalakay sa workshop ang mga mahahalagang presentasyon kabilang ang Variety Field Testing (VFT) Results, PalaySikatan, OneRicePH, Regional at Provincial Yield Performance ng RCEF Inbred Varieties, Hybrid Rice Yield at Grain Quality Assessment sa ilalim ng NCT/NSIC, Provincial Rice Techno Forum, at NextGen Rice Programs. Ang mga datos at resulta mula sa mga pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan sa pagpaplano at pagpapahusay ng mga programang pang-agrikultura ng rehiyon lalo na sa larangan ng pagpapalay.
Nagkaroon rin ng aktibong open forum at talakayan ukol sa Regional Variety Recommendations, kung saan nagkaroon ng palitan ng kaalaman, karanasan, at pananaw mula sa mga katuwang na ahensya, at mga lokal na tagapagpatupad ng programa. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang suporta nito sa sektor ng agrikultura at sa layuning mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka tungo sa mas matatag at masaganang produksyon ng bigas sa rehiyon.
#RegionalVarietyPlanningPreWorkshop
Related:
-
Most Viewed Article
