MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park feat. Gab, Oyayi, and Migs (January 16, 2026)
Published date: Jan 19, 2026
Los Baños Sunset at the Park feat. Gab, Oyayi, and Migs (January 16, 2026)

Muling naging isang payapa at inklusibong espasyo ang General Paciano Rizal Park sa ginanap na Los Baños Sunset at the Park nitong Enero 17, 2026 (Sabado) sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na palakasin ang turismo, ibahagi ang lokal na talento, at bigyang-halaga ang sama-samang ugnayan ng komunidad. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga mamamayan at bisita na magsama-sama at magpahinga sa saliw ng makabuluhang mga himig nina Gab, Oyayi, at Migs na lalong nagpaigting sa diwa ng pagtitipon.

Ang mga inisyatibong ito ay sumasalamin sa patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatatag ng identidad ng bayan bilang sentro ng kultura, sining, at mga gawaing nagbibigay-halaga sa pagkakaisa ng bawat Los Bañense.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 288 Total Views

Related:


;