MENU
Philippine Standard Time:
Rotary Club of Los Baños Makiling (Rotary International District 3820) book donation at the Los Baños Modern Kubo Library (January 15, 2026)
Published date: Jan 19, 2026
Rotary Club of Los Baños Makiling (Rotary International District 3820) book donation at the Los Baños Modern Kubo Library (January 15, 2026)

PASASALAMAT SA KAALAMAN AT PAGMAMALASAKIT

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa Rotary Club of Los Baños Makiling sa matagumpay na turnover ng kabuuang 149 piraso ng iba’t ibang aklat at reading materials nitong ika-15 ng Enero 2026. Kabilang sa mga donasyong ito ang mga encyclopedia, children’s books, dictionaries, at iba pang babasahing pang-edukasyon na naglalayong palawakin ang kaalaman at mahikayat ang mas malalim na pagkatuto ng mga mag-aaral at kabataang Los Bañense. Ang inisyatibong ito ay patunay ng taos-pusong malasakit ng Rotary sa pagpapalaganap ng edukasyon at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa pagkatuto sa komunidad.

Ang naturang suporta ay malaking tulong sa patuloy na pagsusulong ng kultura ng pagbabasa at lifelong learning sa bayan ng Los Baños, na naglalayong hubugin ang mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan. Sama-sama nating itinataguyod ang isang bayang pinahahalagahan ang edukasyon bilang susi sa pag-unlad.

Maraming salamat, Rotary Club of Los Baños Makiling, sa inyong puso at walang sawang paglilingkod para sa bayan. Unite for Good. Rotary’s Heart at Work.

#RotaryClubOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 436 Total Views

Related:


;