MENU
Philippine Standard Time:
MGLB and UPLB strengthened joint efforts for efficient service delivery and sustainable growth in Los Baños (January 14, 2026)
Published date: Jan 19, 2026
MGLB and UPLB strengthened joint efforts for efficient service delivery and sustainable growth in Los Baños (January 14, 2026)

PINATATAG NA UGNAYAN PARA SA KAUNLARAN NG LOS BAÑOS

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at departamento ng lokal na pamahalaan noong ika-14 ng Enero 2026 sa Municipal Conference Room, sa isang coordination meeting kasama ang University of the Philippines Los Baños sa pamamagitan ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) na pinamumunuan ni Atty. Eric Paul D. Peralta, Vice Chancellor for Community Affairs.

Higit pang pinagtibay sa pagpupulong ang ugnayan ng LGU at UPLB sa mahahalagang usaping may kinalaman sa kaayusan, serbisyo publiko, at pangmatagalang kaunlaran ng bayan, kabilang ang mga isyu sa imprastraktura, transportasyon, waste management, at iba pang programang magkatuwang na isinusulong ng pamahalaang bayan at ng pamantasan. Tinalakay rin ang mga posibleng mekanismo upang mapalakas pa ang koordinasyon at mas mapabilis ang implementasyon ng mga inisyatiba para sa kapakanan ng komunidad.

Patunay ang naturang dayalogo sa patuloy na pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at akademya tungo sa mas maayos, ligtas, at progresibong Los Baños, kung saan ang sama-samang pagkilos ay nagsisilbing susi sa pangmatagalang kaunlaran.

#LGUxUPLB

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 563 Total Views

Related:


;