MENU
Philippine Standard Time:
PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, NAMAHAGI NG 200 BAGS NA ABONO SA MGA HIGH VALUE CROPS FARMERS SA BAYAN NG LOS BAÑOS
Published date: Jun 15, 2021
PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, NAMAHAGI NG 200 BAGS NA ABONO SA MGA HIGH VALUE CROPS FARMERS SA BAYAN NG LOS BAÑOS

Ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punumbayan Antonio L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ay namahagi ng 200 bags ng abono para sa mga High Value Crop Farmers sa bayan ng Los Baños ngayong Hunyo 11, 2021.

Ang abonong ipinamahagi ay galing sa Department of Agriculture Regional Field Office – IVA (DA-RFO-IVA) kaugnany ng kanilang programa sa High Value Crops Development na matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng mga nakaraang bagyo.

Maraming salamat sa DA-RFO-IVA sa pangunguna ni Regional Director Vilma Dimaculangan at APCO Laguna Annie Bucu.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa iba’t ibang ahensya upang matulungang makabawi ang ating mga High Value Crop farmers para sa kanilang mas masaganang ani at mas maunlad na kabuhayan.

 33 Total Views

Related: