MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of January 2026)
Published date: Jan 19, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of January 2026)

Pinagunahan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) na pinamumunuan ni Ms. Twila T. Torres, EnP ang Lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa ikatlong Lunes ng Enero 2026. Sa nasabing programa, inilahad ni Planning Officer III Lou Andie D. Reyes ang mga mahahalagang accomplishments ng MPDO, na sumasalamin sa masinop na pagpaplano, epektibong implementasyon ng mga programa, at matibay na adbokasiya tungo sa sustenableng pag-unlad ng bayan ng Los Baños.

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week at World Autism Acceptance Month, pinangunahan ng Autism Society of the Philippines Laguna Chapter at ng Los Baños Community Center ang panunumpa para sa paggalang, pagtanggap, at inklusibong pag-unawa sa autism, bilang pagpapatibay sa paninindigan ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang isang lipunang may malasakit at pantay na oportunidad para sa lahat.

Dumalo sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, ang DILG family, at mga kawani ng Pamahalaan, na sama-samang nagpakita ng suporta sa mga adhikain ng pamahalaan para sa mabuting pamamahala at serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 131 Total Views

Related:


;