Los Baños Sunset at the Park feat. Herbert, Hanz, Princess, and Vince (January 10, 2026)
×
Naging makabuluhan ang ika-10 araw ng 2026 sa Los Baños Sunset at the Park, sa handog na pagtatanghal ng mga local performers na sina Herbert, Hanz, Princess, at Vince sa General Paciano Rizal Park. Ang bawat tugtog at awitin ay nagsilbing himig ng pasasalamat at pag-asa, kasabay ang ganda ng dapithapon.
Ang pagtitipong ito, na inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Los Baños Tourism Office, ay isang dapithapon ng kultura, pagkakaisa, at panibagong simula. Nagsilbi itong simbolo ng direksiyon, inspirasyon, at sama-samang paglalakbay ng bayan tungo sa isang mas maliwanag na bagong taon.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
