Los Baños Sunset at the Park feat. Jezra and Jasmine (January 9, 2026)
Muling naging pagkakataon ng pahinga at pagsasama-sama ang ginanap na Los Baños Sunset at the Park nitong ika-9 na araw ng taong 2026 (Biyernes) sa General Paciano Rizal Park. Sa harap ng marahang paglubog ng araw at payapang tanawin, sama-samang sinalubong ng mga Los Bañense ang mga unang araw ng taon na may dalang pag-asa at bagong sigla. Pinatingkad ng mga pagtatanghal nina Jezra at Jasmine ang diwa ng programa, habang ang kanilang musika ay nagsilbing himig ng bagong simula na nagbibigay aliw, inspirasyon, at positibong enerhiya sa dapithapon.
Higit pa sa isang pagtatanghal, ang Los Baños Sunset at the Park ay simbolo ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon na lumikha ng mga espasyong nagbubuklod sa mamamayan at mga sandaling nagbibigay-halaga sa sining, kultura, at pagkakaisa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
