MENU
Philippine Standard Time:
Courtesy visit to Mayor Neil Andrew Nocon of the Los Baños Gold Medalists at the 33rd Southeast Asian Games 2025 in Thailand
Published date: Jan 14, 2026
Courtesy visit to Mayor Neil Andrew Nocon of the Los Baños Gold Medalists at the 33rd Southeast Asian Games 2025 in Thailand

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, nagbibigay-pugay ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños at taos-pusong nagpaabot ng pagbati ng tagumpay sa ating mga atletang Los Bañense na nagbigay-karangalan sa bayan at sa bansa sa 33rd Southeast Asian Games 2025 na ginanap sa Thailand.

Buong pagmamalaking kinikilala ang husay at dedikasyon nina Erwin Bosito, kasapi ng Men’s National Baseball Team mula sa Barangay San Antonio, at John Israel Antonio, miyembro ng RP Blu Boys (Men’s Softball) mula sa Barangay Batong Malake, sa kanilang pagkakamit ng Gintong Medalya sa nasabing pandaigdigang paligsahan.

Ang inyong tagumpay ay patunay ng sipag, disiplina, at determinasyon ng mga Los Bañense at nagsisilbing inspirasyon sa kabataan at sa buong pamayanan. Malugod kayong binabati at buong ipinagmamalaki ng Bayan ng Los Baños, isang karangalang nag-angat sa pangalan ng bayan at ng Pilipinas sa larangan ng palakasan.

#GoldMedalist

#ProudLosBañenses

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 589 Total Views

Related:


;