Turnover of ambulance from Cong. Ramil Hernandez and Cong. Ruth Hernandez supported Los Baños health and emergency response (January 8, 2026)
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon kina Cong. Ramil Hernandez at Cong. Ruth Hernandez sa pagkakaloob ng isang ambulance unit na pormal na itinurn-over noong Enero 8, 2026 (Miyerkules) sa Bay, Laguna.
Ang nasabing donasyon ay inaasahang magiging malaking tulong sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan ng bayan, partikular sa mas mabilis, maagap, at episyenteng pagtugon sa mga medical emergency at iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon. Sa pamamagitan ng karagdagang ambulance unit, mas mapapalawak pa ang kakayahan ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng serbisyong medikal na mas malapit at mas mabilis para sa mamamayan.
Patuloy na nagsisilbing inspirasyon ang suporta at malasakit ng ating mga lingkod-bayan sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng serbisyong pampubliko at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Los Bañense. Ang pagkakaisang ito ay patunay ng sama-samang adhikain para sa isang mas ligtas, mas handa, at mas maalagang bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
