1st Quarter 2026 Meeting of the Los Baños Municipal Peace and Order Council (MPOC)
Pinangunahan at nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa 1st Quarter Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) na ginanap ngayong araw, Enero 13, 2025, sa Municipal Conference Room.
Dinaluhan din ang pagpupulong ni Vice Mayor Marlo PJ Alipon kasama ang mga kasapi ng MPOC at MADAC mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, pambansang ahensya, at mga civil society organizations (CSOs), bilang patunay ng sama-samang pagkilos para sa kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Sa pulong, tinalakay ang Approved POPS 2026 Funds at ang mga mahahalagang ulat at update sa mga programang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano, malinaw na direksyon, at episyenteng paggamit ng pondo upang matiyak na ang bawat programa ay may konkretong epekto sa komunidad.
Higit sa lahat, pinagtibay sa pagpupulong ang diwa ng pagkakaisa at pananagutan, kung saan ang pagtutulungan ng bawat departamento, ahensya, at CSO ay susi sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at patuloy na umuunlad na Los Baños—isang bayang may malasakit sa kapakanan at kinabukasan ng bawat mamamayan.
Related:
-
Most Viewed Article
