MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Operations Center (OPCEN) visit and turnover of service vehicles
Published date: Jan 14, 2026
Los Baños Operations Center (OPCEN) visit and turnover of service vehicles

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna nina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayan, MLGOO Michiko Escalante, DILG Provincial Director Jay Beltran, mga Department Heads, kawani ng pamahalaan at kinatawan ng iba't ibang ahensya at organisasyon sa isinagawang pagbisita sa OPCEN (Operations Center) ng Los Baños.

Sa pagbisitang ito, binigyang-pansin ang mahalagang tungkulin ng OPCEN bilang sentro ng pagbabantay, koordinasyon, at agarang pagtugon, kung saan minomonitor ang daloy ng trapiko, sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa bayan sa pamamagitan ng mga CCTV at makabagong monitoring systems. Ito ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng lokal na pamahalaan sa maagap at episyenteng serbisyong pangkaligtasan para sa mga mamamayan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang turnover ng mga service vehicles na ipinaabot sa iba’t ibang tanggapan at katuwang na ahensya tulad ng PNP, POSO, at MDRRMO, pati na rin sa iba pang opisina ng Pamahalaang Bayan. Ang mga sasakyang ito ay inaasahang magpapalakas sa kakayahan ng mga ahensya sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga kalamidad, usaping pangseguridad, at iba pang emergency situations.

Sa pamamagitan ng malinaw na koordinasyon at pagtutulungan ng buong pamahalaang bayan at mga katuwang na ahensya, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang layunin nitong makapaghatid ng mas ligtas, mas handa, at mas maaasahang serbisyo publiko para sa lahat ng Los Bañense.

#OPCEN

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 164 Total Views

Related:


;