MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of January 2026)
Published date: Jan 14, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of January 2026)

Sa ikalawang Lunes ng Enero 2026, isinagawa ang Flag Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, bilang bahagi ng patuloy na pagsasabuhay ng disiplina, pagkakaisa, at pananagutan sa paglilingkod sa publiko.

Ang seremonya ay pinangunahan ng Office of the Vice Mayor, Sangguniang Bayan, at SB Secretariat sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at SB Secretary Dona Alborida-Dizon. Dumalo rin sa nasabing gawain ang mga kinatawan ng PNP, BJMP, at BFP, gayundin ang mga department at unit heads, at ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.

Sa kanyang mensahe, inilahad ni Vice Mayor Marlo Pj Alipon ang mga mahahalagang nagawa ng kanilang tanggapan at binigyang-diin ang buong suporta ng Lehislatibong Sangay sa mga programa at proyekto ng Punong Bayan. Kanyang ipinahayag na ang maayos na ugnayan at tuloy-tuloy na pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo ay susi sa epektibong paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Ipinahayag naman ni Mayor Neil Andrew Nocon ang taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipag-ugnayan ng Sangguniang Bayan at Office of the Vice Mayor sa mga programang nakatuon sa serbisyong diretso sa tao. Binigyang-diin niya na ang pagkakaisang ito sa loob ng pamahalaang lokal ang nagsisilbing matibay na pundasyon sa patuloy na pagpapatupad ng mga makabuluhang serbisyo at inisyatiba tungo sa pag-Abante ng Bayan ng Los Baños.

 

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

 189 Total Views

Related:


;