MENU
Philippine Standard Time:
PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, MULING NAMAHAGI NG DAIRY BUFFALO AT DRAFT CATTLE
Published date: Jun 15, 2021
PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BAÑOS, MULING NAMAHAGI NG DAIRY BUFFALO AT DRAFT CATTLE

Ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punumbayan Antonio L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ay namahagi ng isang dairy buffalo at isang draft cattle para sa piling benepisyaryo sa bayan ng Los Baños ngayong Hunyo 11, 2021.

Ang kalabaw at baka na ipinamahagi ay kaugnay ng Animal Dispersal Program ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na naglalayong mas mapalakas ang industriya ng paghahayupan sa bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga upgraded breeds na makatutulong sa pagsasaka at mas mataas na produksyon ng gatas. Ang mga hayop ay libreng ipinamahagi ngunit kinakailangan lang nilang maibalik ang mga unang anak para muling maipamahagi sa iba pang mga benepisyaryo.

Ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ay patuloy ang pamamahagi ng mga panimulang hayop, gamot, bitamina, at konsultasyon upang masiguro ang mas masagana at tuluy-tuloy na kabuhayan ng ating mga magsasaka.

 28 Total Views

Related: