MENU
Philippine Standard Time:
Memorandum of Understanding (MOU) Signing for Work Immersion Partnership of Saint Anthony School of Los Baños, Inc. with MGLB (January 6, 2026)
Published date: Jan 6, 2026
Memorandum of Understanding (MOU) Signing for Work Immersion Partnership of Saint Anthony School of Los Baños, Inc. with MGLB (January 6, 2026)

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Los Bañense ang opisyal na paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) para sa Work Immersion Partnership sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, at ng Saint Anthony School of Los Baños, Inc., sa pamumuno ni Mr. Harlan G. Tadili, MaEd, School Principal, kasama si Mr. Kevin V. Giman, Coordinator ng Work Immersion ng nasabing school.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, higit pang pinagtitibay ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at sektor ng edukasyon upang mahubog ang kasanayan, disiplina, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa serbisyo publiko, at ihanda sila sa mga hamon ng hinaharap na propesyon.

Ang inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na mamuhunan sa edukasyon at kabataan, sapagkat naniniwala ang pamahalaan na ang isang handang kabataan ay susi sa isang maunlad at matatag na bayan. 

#MOUsigining

#WorkImmersionPartnership

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 506 Total Views

Related:


;