MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños feat. Rene Boncocan, Nestor Leviste, Jong Sumangil, Sonny Sumangil, and Garry Apolinario (December 28, 2025)
Published date: Jan 5, 2026
Los Baños Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños feat. Rene Boncocan, Nestor Leviste, Jong Sumangil, Sonny Sumangil, and Garry Apolinario (December 28, 2025)

Masigla at makahulugan ang pagdiriwang ng mga huling araw ng taon sa Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños na ginanap nitong Disyembre 28, 2025 (Linggo) sa General Paciano Rizal Park. Pinayabong ang dapithapon ng mga kahanga-hangang pagtatanghal nina Rene Boncocan, Nestor Leviste, Jong Sumangil, Sonny Sumangil, at Garry Apolinario, na naghatid ng mga himig at damdaming tumimo sa puso ng mga manonood. Ang kanilang mga pagtatanghal ay nagbigay-init at saya sa komunidad habang sama-samang tinatapos ang taon sa diwa ng musika at pagkakaisa.

Sa bawat paglubog ng araw sa Los Baños, muling ipinapaalala na kasabay ng pagtatapos ay ang panibagong pag-asa at bagong simula. Patuloy na nagsisilbing liwanag ang pagkakaisa, kultura, at malasakit ng komunidad tungo sa mas makulay at mas maunlad na darating na taon para sa bawat Los Bañense.

#SunsetAtThePark

#DisyembreNaLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 513 Total Views

Related:


;