Los Baños Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños (December 29, 2025)
×
Ipinagdiwang ng Los Baños ang mga huling sandali ng taong 2025 sa isang makulay at masayang Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños nitong Disyembre 29, 2025 (Lunes) sa General Paciano Rizal Park. 
Habang unti-unting lumulubog ang araw, pinangunahan ng LBZIA sa saliw ng masisiglang tugtugin ang isang makabuluhang Zumba for a Cause, kung saan bawat hakbang, indak, at ngiti ay naging bukal ng pagtulong at malasakit.
Isang pasasalamat sa bawat pusong nagbahagi. Patunay lamang na sa Los Baños, ang diwa ng Pasko at pagtatapos ng taon ay nagbibigay liwanag sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagbabahagi sa kapwa. 
Related:
-
Most Viewed Article
