MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program at Barangay Bayog (December 29, 2025)
Published date: Jan 5, 2026
Rice Distribution Program at Barangay Bayog (December 29, 2025)

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Disyembre 29, 2025 (Lunes) ang Rice Distribution Program sa Barangay Bayog, Los Baños, Laguna, Philippines sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng tulong at malasakit sa mga pamilyang Los Bañense sa pagsalubong sa masagana at mapayapang bagong taon.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at kawani ng lokal na pamahalaan, matagumpay na naihatid ang bigas sa mga residente ng barangay upang makapagbigay ng dagdag na ginhawa at katiyakan sa kanilang mga tahanan ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa diwa ng Pasko at bayanihan, ang programang ito ay nagsilbing simbolo ng patuloy na malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, isang serbisyong naglalayong tiyakin na may pagkain sa bawat hapag, may pag-asang naghihintay sa bawat pamilya, at may pamahalaang handang umagapay sa bawat Los Bañense.

#RiceDistributionProgram

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 432 Total Views

Related:


;