MENU
Philippine Standard Time:
Municipality of Los Baños honored national hero Dr. Jose Rizal in 129th Commemoration (December 30, 2025)
Published date: Jan 5, 2026
Municipality of Los Baños honored national hero Dr. Jose Rizal in 129th Commemoration (December 30, 2025)

Noong Disyembre 30, 2025, sama-samang ginunita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, ang ika-129 Paggunita sa Kabayanihan ni Dr. Jose P. Rizal na ginanap sa Lopez Elementary School Grounds at Lopez E.S. Auditorium.Nakibahagi sa makabuluhang pagdiriwang ang DepEd Los Baños, Knights of Rizal, mga kawani ng Pamahalaang Bayan, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga guro, mag-aaral, at mga panauhin, isang patunay ng nagkakaisang pagkilala sa pamana ng ating Pambansang Bayani.

Bilang bahagi ng selebrasyon, namahagi si Mayor Neil Andrew Nocon ng mga Rizal’s World 1 at 2 posters, na tampok ang paglalakbay ni Dr. Jose Rizal sa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin ang Rizal’s Laguna poster na naglalarawan ng makasaysayang ugnayan at mga mahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal sa Lalawigan ng Laguna. Ang mga poster na ito ay ipinagkaloob sa mga guro at panauhing dumalo bilang kagamitang pampagkatuto at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.

Isang paalala na ang diwa ni Rizal ay patuloy na nabubuhay: sa kaalaman, sa pagkakakilanlan, at sa sama-samang pagkilos para sa bayan.

#129thRizalDay

#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 514 Total Views

Related:


;