Business One Stop Shop (BOSS) Day 1 at Los Baños (January 5, 2026)
Pormal na sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ang unang araw ng Business One Stop Shop (BOSS) para sa Mayor’s Permit at Business Permit Renewal ng mga Barangay ng Mayondon at Bambang nitong Enero 5, 2026 (Lunes) sa Activity Area/Taxpayer’s Lounge ng Munisipyo. Ang inisyatibong ay naglalayong gawing mas maayos, mabilis, at episyente ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng mga kinakailangang permit ng mga negosyante sa bayan.
Ang BOSS ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan upang maghatid ng dekalidad na serbisyo publikong diretso sa tao, alinsunod sa adbokasiya ng mahusay na pamamahala at suporta sa lokal na ekonomiya. Sa pamamagitan ng iisang lugar para sa iba’t ibang serbisyo, mas napapadali ang transaksyon at nababawasan ang oras ng paghihintay ng mga aplikante.
Ang Business One Stop Shop (BOSS) ay isasagawa hanggang Enero 20, 2026, upang matiyak na ang lahat ng negosyante sa bayan ay mabibigyan ng sapat na panahon, malinaw na proseso, at maayos na serbisyong pampubliko sa pag-aasikaso ng kanilang Mayor’s Permit at Business Permit Renewal. Sa pamamagitan nito, isinusulong ng Pamahalaang Bayan na higit pang mapalakas ang kaayusan, kahusayan, at tiwala ng sektor ng negosyo bilang mahalagang katuwang sa patuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya sa bayan ng Los Baños.
Related:
-
Most Viewed Article
