Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of January 2026)
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony para sa taong 2026, na pinangunahan ng Office of the Mayor sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Ang makabuluhang pagtitipon ay dinaluhan ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan, mga Department at Unit Heads, DILG family, at mga kawani ng pamahalaang bayan, bilang simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at sama-samang paninindigan sa paglilingkod sa bayan sa pagsisimula ng bagong taon.
Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat at nagbigay-pagkilala si Mayor Nocon sa pagsisikap at dedikasyon ng bawat kawani sa nagdaang taong 2025, na nagsilbing haligi ng patuloy na pag-unlad ng bayan. Hinikayat niya ang lahat ng tanggapan na ipagpatuloy ang tapat na serbisyong diretso sa tao, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon ng bagong taon. Binigyang-diin ng ating Punong Bayan na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, malinaw na direksyon, at iisang layunin ay patuloy na maisusulong ang isang mas maunlad, mas matatag, at higit pang umaabanteng bayan ng Los Baños sa taong 2026.
Related:
-
Most Viewed Article
