MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Government of Los Baños hosted Simbang Gabi with local officials at Immaculate Concepcion Parish (December 21, 2025)
Published date: Dec 22, 2025
Municipal Government of Los Baños hosted Simbang Gabi with local officials at Immaculate Concepcion Parish (December 21, 2025)

Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama sina Hon. Councilors Miko Pelegrina at Mec Dizon, katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Malinta, ang hosting ng Simbang Gabi nitong ika-21 ng Disyembre 2025 sa Immaculate Concepcion Parish.

Ang banal na pagdiriwang ay nagsilbing pagkakataon upang sama-samang magpasalamat, manalangin, at magbuklod ang pamahalaang lokal at ang pamayanan bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan. Ipinamalas din sa okasyong ito ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit ng bawat Los Bañense.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagpapanatili ng mga tradisyong sumasalamin sa ating kultura at pananampalataya.

#SimbangGabi

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 391 Total Views

Related:


;