Santa’s Gift Giving Program at Barangays Tuntungin-Putho, Lalakay, Timugan and Sitio Pag-asa San Antonio (December 19, 2025)
Masayang isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ng ating Punong Bayan Hon. Neil Andrew Nocon, ang Santa’s Gift Giving Activity nitong Disyembre 19, 2025 (Biyernes) sa mga barangay ng Tuntungin-Putho, Sitio Pag-asa San Antonio, Lalakay, at Timugan.
Sa tulong at sama-samang pagkilos ng iba’t ibang tanggapan, naghatid ang aktibidad ng mga regalo, kasiyahan, at pag-asa sa bawat bata at pamilya, lalo pa nang magpakita si Santa. Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa tunay na diwa ng Pasko na nag-uumapaw sa pagmamahalan, pagbibigayan, at pagkakaisa na patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Los Baños para sa isang mas masaya at mapagpalang Kapaskuhan para sa lahat.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
