MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park and Disyembre na sa Los Baños (December 19, 2025)
Published date: Dec 22, 2025
Los Baños Sunset at the Park and Disyembre na sa Los Baños (December 19, 2025)

Habang lumulubog ang araw at pinapalamutian ng kahel at ginto ang langit ng Los Baños, naging mas makahulugan ang hapon sa General Paciano Rizal Park nitong Disyembre 19, 2025 (Biyernes) sa ginanap na Sunset at the Park x Disyembre na sa Los Baños, handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pangunguna ng Municipal Tourism Office.

Nagsama-sama ang mga pamilya, kaibigan, at bisita upang salubungin ang diwa ng Pasko sa isang pagdiriwang na puno ng saya, kultura at musika. Pinainit ng mga pagtatanghal nina LM, Princess at Hanz ang gabi, kasabay ng pag-usbong ng ilaw, ngiti, at pagkakaisa, patunay na naririto na nga ang Pasko sa bayan ng Los Baños. 

#SunsetAtThePark

#DisyembreNaSaLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 352 Total Views

Related:


;