Rice Distribution Program at Brgy. Mayondon (December 20, 2025)
Nag-umapaw ang saya at diwa ng Kapaskuhan sa isinagawang Rice Distribution Program ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Disyembre 20, 2025 (Sabado) sa iba’t ibang lugar sa Barangay Mayondon, sa ilalim ng masiglang pamumuno ni Punong Bayan Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.
Sa tulong ng iba’t ibang tanggapan ng munisipyo, naihatid ang bigas sa mga benepisyaryong residente bilang munting handog ng lokal na pamahalaan upang maging mas masaya ang pagdiriwang ng Pasko ng bawat pamilya. Makikita sa mga ngiti at pasasalamat ng mga mamamayan ang tunay na diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa ngayong Kapaskuhan.
Ang programang ito ay patunay na ang Pasko sa Los Baños ay hindi lamang selebrasyon, kundi pagkakataon upang magbahagi ng biyaya at magpalaganap ng pag-asa. Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, patuloy ang pamahalaang lokal sa paghahatid ng serbisyong diretso sa tao na may ngiti, malasakit, at tunay na kalinga para sa bawat Los Bañense.
Maligayang Pasko mula sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños!
#RiceDistributionProgram
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
