MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program at Barangay San Antonio (December 18, 2025)
Published date: Dec 19, 2025
Rice Distribution Program at Barangay San Antonio (December 18, 2025)

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng munisipyo, sa ilalim ng Rice Distribution Program na matagumpay na naihatid nitong Disyembre 18, 2025 (Miyerkules) sa iba’t ibang bahagi ng Barangay San Antonio, Los Baños, Laguna. Ang bawat sako ng bigas ay kalakip ang mensahe ng pag-aaruga, malasakit, at pag-asa para sa mga pamilyang Los Bañense ngayong Kapaskuhan.

Ang tagumpay ng programa ay naging posible sa sama-samang pagtutulungan ng mga kawani at tanggapan ng Pamahalaang Bayan, na patuloy na nagsusulong ng serbisyong tapat at agaran para sa komunidad. Sa kabuuan, ang inisyatibang ito ay patunay ng walang humpay na adbokasiya ng lokal na pamahalaan na iparamdam sa bawat tahanan ang diwa ng Pasko na puno ng pagkakaisa, pagdamay, at pagmamalasakit. Maligayang Pasko, Los Bañenses!

#RiceDistributionProgram

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 366 Total Views

Related:


;