Santa’s Gift Giving Program for Day Care students of Brgy. Maahas (December 18, 2025)
Lubos ang kasiyahan ng mga bata mula sa Barangay Maahas, Los Baños, Laguna, Philippines nang makatanggap sila ng mga pamaskong handog sa Santa’s Gift Giving ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na isinagawa noong Disyembre 18, 2025 (Huwebes) sa Maahas Day Care Center at Maahas Covered Court.
Hindi lamang mga pamaskong regalo ang naibahagi sa programa, kundi higit sa lahat ang mensahe ng malasakit, pagkalinga, at patuloy na pag-aaruga ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa kabataang Los Bañense. Ang mga ngiti at saya ng mga bata ay naging buhay na patunay na ang tunay na diwa ng Kapaskuhan ay matatagpuan sa simpleng pagbibigay at taos-pusong pagmamahal sa kapwa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
