MENU
Philippine Standard Time:
Expanded Centenarian Program Provided Financial Support to Senior Citizens in Los Baños (December 18, 2025)
Published date: Dec 19, 2025
Expanded Centenarian Program Provided Financial Support to Senior Citizens in Los Baños (December 18, 2025)

Sa suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at ng National Commission for Senior Citizens (NCSC), isinagawa ang Expanded Centenarian Program Payout para sa mga senior citizens na may edad 80, 85, 90, at 95 taong gulang nitong Disyembre 18, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Treasury Office.

Layunin ng programang ito na kilalanin at pasalamatan ang mahahalagang ambag ng ating mga nakatatanda sa paghubog ng komunidad, gayundin ang magbigay ng tulong-pinansyal bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang payout ay patunay ng patuloy na malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan, dignidad, at kalidad ng buhay ng mga senior citizens ng ating bayan.

Sa pamamagitan ng Expanded Centenarian Program, muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang paninindigan nitong maghatid ng mga programang makatao at inklusibo, lalo na para sa sektor ng mga nakatatanda na patuloy na nagsisilbing haligi ng karunungan at inspirasyon ng ating komunidad.

#ExpandedCentenarianProgramPayout

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 462 Total Views

Related:


;