MENU
Philippine Standard Time:
ANG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BANOS AY NAKIKIISA SA NATIONAL KIDNEY MONTH 2021
Published date: Jun 15, 2021
ANG PAMAHALAANG BAYAN NG LOS BANOS AY NAKIKIISA SA NATIONAL KIDNEY MONTH 2021

Ngayong National Kidney Month ay ating itinataguyod ang pangangalaga sa ating bato o kidney na siyang nagsisilbi bilang filter o nagsasala sa iba't-ibang bagay na dumadaloy sa loob ng katawan gaya ng dugo, pagkain at tubig.

Kailangan nating pangalagaan ang ating bato upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit sa bato o Chronic Kidney Disease.

Ang tamang pagkain, pag-iwas sa mga bisyo, at pag-eehersisyo ay ilan lamang sa mga paraan upang mapangalagaan ang ating kidney.

Di lamang ang COVID-19 ang banta sa ating kalusugan ngayong panahon ng pandemya, kinakailangan rin natin ang “MATATAG NA BATO SA KAPANAHUNANG ITO.”
 

 87 Total Views

Related: