Rizal Classroom of the Future (RCOF) Technical Working Group inspection at Los Baños Central Elementary School (December 17, 2025)
Nagsimula na ang inspeksyon ng Rizal Classroom of the Future (RCOF) Technical Working Group sa Los Baños Central Elementary School noong ika-17 ng Disyembre 2025, isa sa tatlong paaralang napili bilang pilot school ng RCOF: Rizal Tablet initiative.
Ang isinagawang inspeksyon ay bahagi ng tuloy-tuloy at sistematikong paghahanda para sa nalalapit na implementasyon ng RCOF upang matiyak na ang mga pasilidad, teknikal na aspeto, at kabuuang learning environment ng paaralan ay handa para sa mas makabago at digital na paraan ng pagkatuto.
Ang inisyatibong ito ay nakahanay sa adbokasiyang Kaalaman ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na layuning ihanda ang mga mag-aaral ng Los Baños upang makasabay sa husay at kakayahan ng mga kabataan sa iba’t ibang lugar, at maihanda sila para sa kompetisyong pandaigdig sa larangan ng edukasyon.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
