Rice Distribution Program at Barangay Batong Malake (December 17, 2025)
Nagpatuloy ang paghahatid ng serbisyo at malasakit ng Rice Distribution Program ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon noong Disyembre 17, 2025 (Miyerkules) sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna.
Sa pamamagitan ng masigasig na pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at kawani ng lokal na pamahalaan, naging maayos, organisado, at matagumpay ang pamamahagi ng bigas sa mga pamilyang benepisyaryo. Ang programang ito ay patuloy na nagpapakita ng dedikasyon ng Pamahalaang Bayan sa pagbibigay ng agarang tulong at presensya sa komunidad, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na maghatid ng isang mainit, inklusibo, at may malasakit na Kapaskuhan para sa bawat pamilyang Los Bañense.
#RiceDistributionProgram
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
