MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Cash Subsidy for Solo Parents in Los Baños (December 17, 2025)
Published date: Dec 18, 2025
Municipal Cash Subsidy for Solo Parents in Los Baños (December 17, 2025)

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang Municipal Cash Subsidy for Solo Parents nitong Disyembre 17, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area. Ang programang ito ay nagbigay ng tulong-pinansyal alinsunod sa RA 11861 o sa Expanded Solo Parents Welfare Act of 2022, at may kabuuang 200 benepisyaryong solo parents ang nakatanggap ng halagang P6,000 (July-December) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang kapakanan at pangangailangan ng mga pamilyang Los Bañense.

Sa pamamagitan ng programang ito, kinilala ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel at sakripisyo ng mga solo parents sa pagpapalaki at pagtataguyod ng kanilang mga anak. Ang programang ito ay patunay na sa kabila ng mga hamon ng buhay, may maaasahang suporta at pag-asa sila mula sa pamahalaan.

#SoloParentsCashSubsidy

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1960 Total Views

Related:


;