Santa's Gift Giving Program for Day Care students of Barangay Tadlac, Baybayin, Malinta, Mayondon, & Bayog (December 17, 2025)
Naghatid ng lubos na kasiyahan ang muling pagsasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ng Santa's Gift Giving para sa mga Day Care students ng Barangay Tadlac, Baybayin, Malinta, Mayondon, at Bayog nitong Disyembre 17, 2025 (Miyerkules).
Tampok sa programa ang pagbisita ng Santa Claus mascot na nagbigay ng higit na tuwa at saya sa mga bata, kasabay ng pamamahagi ng mga regalo. Sa pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan, naging matagumpay at makabuluhan ang aktibidad bilang patunay ng malasakit ng pamahalaan sa kapakanan at kaligayahan ng mga batang Los Bañense. Sa pamamagitan ng Santa's Gift Giving, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang diwa ng pagbibigayan at pagkakaisa ngayong Kapaskuhan, habang sabay-sabay na ipinapadama ang malasakit, pag-asa, at kagalakan sa iba’t ibang bahagi ng ating bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
