Organizational Strengthening and Capacity Building of Farmers and Fisherfolks Associations of Los Baños
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na pinangungunahan ni Municipal Agriculturist Cheryll L. Gonzales, ang Organizational Strengthening and Capacity Building of Farmers and Fisherfolks Associations na may temang “Abante Los Baños para sa Masaganang Agrikultura at Maunlad na Ekonomiya” nitong Disyembre 16, 2025 sa Municipal Agriculture Trading Post.
Layunin ng aktibidad na higit pang patatagin ang organisasyon, kaalaman, at kakayahan ng mga samahan ng magsasaka at mangingisda bilang mahalagang haligi ng lokal na produksyon ng pagkain at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bayan.
Dumalo at nagpaabot ng suporta sa nasabing aktibidad si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama ang kinatawan ni Hon. Aldous B. Perez, bilang pagpapakita ng patuloy na pagkilala at malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda ng Los Baños. Patunay ang programang ito sa patuloy na adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na isulong ang isang masigla, masagana, at sustenableng agrikultura tungo sa isang maunlad na ekonomiya para sa lahat ng Los Bañense.
Related:
-
Most Viewed Article
