Peace Summit and Youth Caravan 2025 at Los Baños (December 16, 2025)
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, ang Peace Summit and Youth Caravan 2025 nitong Disyembre 16, 2025 (Martes) sa Municipal Activity Area.
Dinaluhan at sinuportahan ito ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama si SK Federation President Samantha Banasihan-Ortega, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa kapakanan, kamalayan, at aktibong partisipasyon ng kabataan ng Los Baños.
Kabilang sa mga tampok na gawain ang mga makabuluhang talakayan hinggil sa HIV Awareness and Prevention, Healthy Lifestyle and Well-being, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, at ang Rizal Classrooms of the Future, na nagpalakas ng kaalaman, disiplina, at responsableng pamumuno ng kabataang Los Bañense.
Ang Peace Summit and Youth Caravan 2025 ay patunay ng sama-samang adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na hubugin ang isang mapayapa, malusog, may kamalayan, at makabagong kabataan bilang mahalagang katuwang sa patuloy na pag-abante ng bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
