MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program at Barangay Tuntungin-Putho (December 16, 2025)
Published date: Dec 16, 2025
Rice Distribution Program at Barangay Tuntungin-Putho (December 16, 2025)

Buong pusong ipinagpatuloy ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan, ang Rice Distribution Program nitong Disyembre 16, 2025 sa Barangay Tuntungin-Putho bilang bahagi ng mga programa ngayong Kapaskuhan. Layunin ng aktibidad na ito na maghatid ng tulong at maagang pamaskong handog sa mga pamilyang Los Bañense, bilang pagpapakita ng malasakit at pagdamay ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamahagi ng bigas, dama ng bawat benepisyaryo ang diwa ng Pasko, pagkakaisa, pag-asa, at bayanihan. Ang mga ngiti at taos-pusong pasasalamat ng mga residente ay patunay na ang simpleng tulong ay nagdudulot ng malaking ginhawa at saya sa bawat tahanan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

#RiceDistributionProgram

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 420 Total Views

Related:


;