Pugay Tagumpay honored successful Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) graduates in Los Baños (December 16, 2026)
Ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang buong suporta sa “Pugay Tagumpay” na ginanap nitong Disyembre 16, 2025 (Martes) sa 3rd Floor Municipal Multipurpose Hall, bilang pagkilala sa mga pamilyang matagumpay na nakatapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).
Kasama sa programa ang Presentation ng 4Ps Accomplishments at Activities ng 2025, pagbabahagi ng mga testimonya ng mga pamilyang benepisyaryo, at ang Awarding of Certificates sa mga 4Ps members bilang simbolo ng kanilang tagumpay at pagsusumikap. Nagpaabot din si Hon. Mayor Mayor Neil Andrew Nocon ng mainit na pagpupugay, pagbati, at pasasalamat; habang nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe at suporta sina Hon. Councilor Aldous B. Perez, at MSWDO Officer Hanna Erika Laviña, RSW.
Ang kaganapang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng at paghubog ng mas matatag at maunlad na kinabukasan para sa bawat pamilyang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
