Los Baños expressed full support for Ms. Scarlett De Mesa in Miss Universe Laguna 2026 journey (December 6, 2025)
Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños si Ms. Scarlett De Mesa, ang opisyal na kandidatang kumakatawan sa bayan para sa Miss Universe Laguna 2026, sa kanyang courtesy visit kay Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon.
Sa naturang pagbisita, ibinahagi ni Ms. De Mesa ang kanyang paghahanda para sa kompetisyon at ang kanyang adhikain na maipakita at maipagmalaki ang mayamang kultura, ganda, at identidad ng Los Baños sa mas malawak na entablado. Ipinahayag naman ni Mayor Nocon ang kanyang buong suporta at paghanga sa dedikasyon at determinasyon ni Ms. De Mesa bilang isang huwarang kinatawan ng kabataan at ng bayan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay taos-pusong bumabati at matibay na sumusuporta kay Ms. De Mesa habang dala-dala niya ang karangalan, inspirasyon, at pag-asa ng buong Los Baños sa kaniyang paglahok sa prestihiyosong kompetisyon.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
