Los Baños Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 6, 2025)
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pangangasiwa ng Municipal Tourism Office, ang unang gabi sa tatlong-araw ng SUNSET AT THE PARK x DISYEMBRE NA SA LOS BAÑOS bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Feast of the Immaculate Conception.
Nitong December 6, 2025 (Sabado), nagpamalas ng mga mapagnilay na worship songs ang The Blessed na nagbigay-inspirasyon sa buong General Paciano Rizal Park. Nagbigay-sigla rin sa programa ang mga pagtatanghal ng mga local artists na sina Primo Tolentino at Venuz, na naghatid ng musika at pagkamalikhain na tunay na ipinagmamalaki ng mga Los Bañense.
Sa paglubog ng araw, lalo namang nagningning ang kapaligiran, pinag-isa ng debosyon, kasiyahan, at musika. Naging makabuluhang simula ito ng serye ng pagdiriwang ngayong Disyembre, na muling nagpatunay sa tibay ng pananampalataya at pagkakaisa ng mga Los Bañense.
#FeastOfTheImmaculateConcepcion
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
