MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program at Brgy. Bambang and Brgy. Baybayin (December 6 and 7, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Rice Distribution Program at Brgy. Bambang and Brgy. Baybayin (December 6 and 7, 2025)

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan, ang Rice Distribution bilang maagang pamasko para sa mga residente ng Barangay Bambang at Barangay Baybayin nitong Disyembre 6 at Brgy. Malinta nitong Disyembre 7 sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na maipadama ang malasakit at pagdamay sa bawat pamilyang Los Bañense, lalo na sa parating na panahon ng Kapaskuhan.

Hangad ng administrasyon ni Mayor Nocon na maipadama ang mainit na pagkalinga ng lokal na pamahalaan at maipagdiwang ng bawat tahanan ang isang masagana at makabuluhang Kapaskuhan.

#RiceDistribution

#MaligayangPasko

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 373 Total Views

Related:


;