Rice Distribution Program at Brgy. Bagong Silang (December 8, 2025)
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng malasakit ngayong Kapaskuhan sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at sa pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa patuloy na pagpapatupad ng Rice Distribution Program bilang maagang pamaskong handog para sa mga pamilyang Los Bañense.
Noong Disyembre 8, 2025, personal na nagtungo ang Pamahalaang Bayan sa Barangay Bagong Silang, Los Baños upang maihatid ang bigas bilang simbolo ng pagkalinga, suporta, at patuloy na presensya ng lokal na pamahalaan sa bawat komunidad. Ang inisyatibang ito ay patunay na ang serbisyo ay walang pinipiling oras o lugar, at ang bawat barangay ay mahalaga sa layunin ng inklusibong pag-abot ng tulong sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa kabuuan, ang Rice Distribution Program ay sumasalamin sa matibay na paninindigan ng Pamahalaang a walang maiiwan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, kung saan ang malasakit, pagkakaisa, at serbisyong may puso ay patuloy na ramdam ng bawat isa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
