MGLB supported nutrition-led gift giving activity in collaboration with UPLB and partner organizations (December 7, 2025)
Matagumpay na naisagawa ang Gift Giving Activity na inorganisa ng Philippine Association of Nutrition – Alpha Omega Chapter, University of the Philippines Los Baños, BIDANI UPLB, at Philippine Stakeholders of Nutrition and Dietetics, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, katuwang ang Municipal Nutrition Action Office, Del Monte Philippines, at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ang aktibidad ay ginanap noong Disyembre 7 sa Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center.
Tinatayang 80–100 bata ang nabigyan ng munting handog at nakaranas ng masayang programa na naghatid ng saya, pag-aaruga, at inspirasyon. Ang inisyatiba ay naglalayong hindi lamang magbigay ng regalo kundi higit sa lahat ay itaguyod ang kamalayan sa nutrisyon at kapakanan ng mga kabataan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng mga akademikong institusyon, pribadong sektor, at lokal na pamahalaan, higit pang pinag-ibayo ang adbokasiya ng Los Baños na maihatid ang malasakit, nutrisyon, at saya sa bawat kabataang Los Bañense ngayong Kapaskuhan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
