MENU
Philippine Standard Time:
Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 8, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 8, 2025)

Matagumpay na naisagawa ang Sunset at the Park nitong December 8, 2025 sa General Paciano Rizal Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng Disyembre na sa Los Baños at ng Feast of the Immaculate Conception. Isang gabi ng musika, liwanag, at pasasalamat ang ipinagkaloob sa ating mga kababayan sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ni Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Municipal Tourism Office.

Nagbigay-buhay sa entablado ang sunod-sunod na makukulay na performances mula sa ating mga lokal na talento. Tampok sina Point Twenty-Six Band, A+ Band, Bernova, Musician’s Corner at Opposite Sketches Rules, at performer mula sa Calamba Laguna na si Primo Tolentino na naghatid ng enerhiya, husay, at musika na tunay na nagpasigla sa gabi. Sa kanilang mga pagtatanghal, mas lalong nadama ang diwa ng pagdiriwang at ang pagkakaisa ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at patuloy na sumusuporta sa ating mga programa. Tuloy-tuloy ang paglikha ng mga makabuluhan at masayang alaala dito sa Bayan ng Los Baños! 

#SunsetAtThePark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 439 Total Views

Related:


;